Tungo sa Bagong Mauban

Quick Links
For the Latest Ratsada News
 
More Recent Ratsada News:
 

Event Calendar

March 2010
SunMonTueWedThuFriSat
010203040506
07080910111213
14151617181920
21222324252627
28293031
Thank you for your support in the recent Orange Festival 2009 Celebration, July 3 Friday
(see article: Orange Festival )
Watch the Mayor's Summary of Accomplishments (on YouTube):
2009 Video Presentation
 

Places to Visit

Home
Mayor's Message

 
 
TO MY FELLOW MAUBANIN:   

May I convey my sincerest gratitude to all of you for electing me to the highest position of our beloved town of Mauban. I am truly honored and humbled by the trust and confidence you have bestowed upon me. Along with this trust comes an enormous duty not only to lead but also to serve.
Read more...
 
Ika-2 Taon Anibersaryo ng Bagong Mauban, Ipinagdiwang

 

 

Ika-2 Taon Anibersaryo ng Bagong Mauban, Ipinagdiwang
“Orange Color Festival, Tagumpay"
Edwin  V. Caramoan
 

    Naging lubos na matagumpay ang pagdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ng Administrasyon ng Bagong Mauban na ginanap noong Hulyo 3, 2009 sa harapan ng Gusali ng Pamahalaang Bayan. Pinuno ng mga tagasuporta na pawang nakasuot ng kulay “orange” ang  mga lansangang dinaanan ng paradang Pambayan sa naganap na okasyon. Ang kulay “orange” sa bakuran ng Pamahalaang Bayan ay lalong pinasigla ng hitik na hitik na programa na kinabilangan ng  maringal na pagtitipon. Pinatingkad ito ng pagkakaisa at ang mainit na pag-asang ipinapakita ng Administrasyon ng Bagong Mauban sa pamumuno ni Mayor Rex P. Bantayan, sa tahakin ng pagtataguyod ng Pagbabago at Pag-unlad.

Read more...
 
GSO Building Pinasinayaan

GSO Building Pinasinayaan

 

    Pinasinayaan kamakailan ang bagong gusali ng General Services Office  (GSO) na nakatayo sa kanang bahagi ng Gusali ng Pamahalaang Bayan. Ang bagong gusali na napatayo sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Pagawaing Bayan ay binasbasan sa pangunguna ni Rev. Fr. Benjie Roda, ang lingkod pari ng Parokya ni San Buenaventura. Dumalo sa nasabing okasyon ang lahat ng pinuno at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Rex P. Bantayan at mga kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Myrna R. Herrera, na tinaguriang “Mama ng Bayan”.
 
 
Read more...
 
Pluma ni Pamingaw (Jun. 2009)

Wala ng Puwang ang Dating Saya sa Bagong Mauban, Duro ng Saya
Edwin V. Caramoan

    Napakasarap talaga ng pakiramdam na sa maliit nating kakayahan ay makabahagi sa isang Pamahalaang may magandang tunguhin. Kahit pa nga, sabihin nating napakaliit din naman ang sinasahod ng katulad nating pangkaraniwang kawani, sapagkat ang pagiging husto ng pabuya ay mararamdaman sa pagkakataong tayo pala ay kabilang sa tagumpay ng mga gawain at may ambag tayong talento at kakarampot mang kakayahan sa pagsulong o pag-unlad. Ito ang isa sa katotohanang nakikita ng ating pluma hindi lang bilang payak na manunulat kundi; bilang kawani ng Administrasyon ng Bagong Mauban.
Read more...
 
Tinig ng Kabataan (Jun. 2009)

Thumbs Up!
Lyra Joyce U. Morales

    Siguro ay hindi lahat tayo, pamilyar sa katagang ito. At kung ating hihimay-himayin ang ating pagkaunawa dito ay tiyak na may iba-iba tayong interpretasyon o pakahulugan.” Thumbs-up” isang senyales na ginagawa natin kapag ang isang bagay ay maayos, plantsado, walang pagkakamali, hindi kulang at hindi rin naman sobra o sa madaling salita, ito’y aprubado, OKEY! Subalit kung susuriin natin itong mabuti, may mas malalim pa itong kahulugan. Hindi ba’t kapag nag ta-thumbs-up tayo, ang itinataas natin ay ang hinlalaki ng ating daliri na bahagi ng ating kamay? At saan ba natin karaniwang ginagamit ang ating hinlalaki? Napakarami nitong kapakinabangan, sa pamamag-itan nito, nagsisilbi itong isa sa ating pagkakakilanlan at tatak ng ating pagkatao.
Read more...
 

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register

Polls

What project would you like our Mayor to prioritized?
 
How do you rate the Performance of our New Local Government so far?