more info and updates yan po ang hinihiling ng mga kababayan natin na malalayo sa Mauban.
tutal may munting website na rin po tayo. Sana po mamaximized natin ito. Sa mga nangagasiwa ng site sana po ayusin ang mga dapat ayusin tulad nung error na binanggit ni kabayang banespawn18. Salamin po ng bayan natin itong website, kung ito nga lang hindi natin mabigyan ng pansin ano pa kaya yung mga bagay na mas mahirap kaysa dito.
Tanda ko noong nag-aaral pa ako sa MSEMCAT meron kaming newspaper na ang pangalan "The Ridge" or "Ang Taluktok" yung ibang school yata may sarili ring dyaryo. Kaya sa tingin ko hindi dapat naaout of date ang mga balita dito sa site dahil marami naman tayong pwedeng pagkunan ng information bukod sa mga usisero at tsismoso.
moderator po ako ng isang pinoy community. sa experience ko po mga members ang nagpapasigla ng mga talakayan sa isang forum.. sana po mag-anyaya pa tayo sa ating mga kababayan na magmember dito, mas marami mas masaya
