Official Website ~ LGU Mauban, Quezon

Home arrow For Residents arrow About Mauban
About Mauban
Local Dishes PDF Print E-mail

Binalawang Santol
Binalawang Santol
Ito ay santol na kinayod at niluto sa gata ng niyog na kapag humalimuymoy ay pagkaangut-angot dahil sa inilahok na balaw na gawa sa tinadtad na hipon.
 
 
Pinangat Lain
Ang kilalang pinangat  ng Maubanin na nilalagyan  sardinas o tuyo na may pagkarami-raming luya, binalot sa dahon ng gabi at lulutiin sa gata ng niyog, mas masarap kapag maraming malapot na liputók. Ang simpleng version ng pinangat ay ang binutno. Ito ay lain na ibinutno na basta niluto sa gata, tinuto na tinagártar na lain na niluto sa gata ng niyog at luya.
 
Ginanga Ginanga
Isdang nilagyan ng pampaasim ordinaryo na ang suka bilang pampaasim o kalamyas ang gamitin para mas neytib ang lasa

 
 
Ginataang Kamansi
Neytib na langka na nilalagyan ng gata ng niyog.
 
Pinais Pinais
Neytib na lutuin na ginagamitan ng kinayod na laman ng niyog, nilalahukan ng hipong dagat o ilog at ibinabalot sa dahon ng saging

 
 
Tininghi
Ang lutuing ito ay katulad din ng pinais ang kaibahan lang ay hubad ito o hindi binabalutan ng dahon ng saging
 
Ginat-ang Suso Suso
Ginat-ang bayuko, haplâ, kuhol susong tilaok,ulibas, balikunong, bukalò, at tapalang na nakukuha sa malapit na ilog o pakatan,gasangan at dagat. Masarap itong haluan ng kahit na anong talbos na dahon.
 
 
Lauya
Ang isa sa pinakasimpleng paraan ng pagluluto ng isda at mga uri ng suso tulad ng bibi (parang tapalang ngunit mas maliit) at tulya (mas maliit kaysa bibi at maitim-itim ang bahayan) ay ang pagpapakulo na may sahúg na luya at kamatis.
 
Eskabetse
Niyadyad na papaya na ang pagkaluto ay manamis-namis at maasim-asim na kilalang pampagana ng Maubanin.
 
Abo-abo PDF Print E-mail
 
Alitap PDF Print E-mail
 
Baao PDF Print E-mail
 
Bagong Bayan PDF Print E-mail
 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 Next > End >>

Results 1 - 9 of 51

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register

Polls

What project would you like our Mayor to prioritized??
 
How do you rate the Performance of our New Local Government so far?