Tungo sa Bagong Mauban

Quick Links
For the Latest Ratsada News
 
More Recent Ratsada News:
 

Places to Visit

Home arrow News arrow News Archive arrow Ratsada News February 2009 arrow Inauguration of Municipal Hall and ATM Booth
Inauguration of Municipal Hall and ATM Booth PDF Print E-mail
The News Archive - Ratsada News February 2009
Inagurasyon ng Gusali ng Pamahalaan at "ATM BOOTH",
Pinaguhan ni Mayor Bantanyan
Edwin Vega Caramoan
 
INAGURASYON SA PEBRERO. (Itaas na larawan) Pinangunahan ni Mayor Rex P. Bantayan at Judge Nicki Tamparong-Viaje ang pagputol ng laso bilang simbolo ng pagpapasinaya ng Unahan ng   Gusaling Pampamahalaan. Sa kabilang dako ng gusali pinangunahan naman ang pagputol ng laso ni VM Myrna Herrera at Unang Ginang Jocelyn Bantayan.(Itaas na kanang larawan). Pinangunahan din ni Mayor Bantayan ang “Ceremonial Withdrawal” sa pinasinayaan ding ATM Booth. Dumalo rin sa sinasabing okasyon ang mga kagawad ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng ibat-ibang tanggapan, mga  kaibigan at panauhin ng Punong  Bayan, mga kinatawan sa Sektor ng Pagnenegosyo at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
 
   
    Pinangunahan ni Mayor Rex P. Bantayan ang pagpapasinaya ng katatapos na “Unahang Bahagi ng Gusaling Pamahalaan” at “ATM Booth” ng lokal na Pamahalaan ng Mauban. Ang pagbabasbas  ay isinagawa  ni Rev. Fr. Renier Estrada, ang katulong na  Lingkod Pari ng Parokya ni San Buenaventura. Dinaluhan ang okasyon ng lahat ng Kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Myrna R. Herrera, mga Pinuno at Kawani ng lokal na Tanggapan ng Pamahalaan, mga pinuno at mga guro ng mga Paaralan, mga kinatawan sa sektor ng mga negosyante at mga mamamayan ng Mauban.
   
    Ang pagpuputol ng laso na hudyat ng pagbubukas ng “ATM Booth” ay pinangunahan nina Unang Ginang Jocelyn Bantayan, Mayor Rex Bantayan at VP Romeo  D.R. Mercado ng Land Bank of the Philippines. Isinagawa naman ang “Ceremonial Withdrawal Transaction” sa nasabing ATM Unit  rin ni Mayor Bantayan at Vice Mayor Myrna R. Herrera. Pinagtibay din ang pagkakaisa tungo sa pagpapaunlad ng Pamayanan sa pamamagitan ng paglagda ng “Memorandum of Agreement MOA” ukol sa inilagak na pasilidad na “E-Card at “Payroll Facility” para sa lokal na Pamahalaan ng Mauban ng Land Bank (LBP). Ang pagpapadaloy ng palatuntunan ay pinamahalaan ni Ms. Lou Villafranca, ang kasalukuyang tagapamahala ng LBP sa Lungsod ng Lucena
   
    Kaugnay nito, ang ikalawang bahagi ng okasyon ay napatuon sa pagbabasbas at pagpapasinaya rin sa Unahang Bahagi ng Gusaling Pampamahalaan na ang ginawang konstruksyon ay katatapos lang sa pagbubukas ng taong 2009. Pinangunahan din, ni Rev. Fr. Renier Estrada ang pagbabasbas at ang pagpuputol ng laso ay pinangunahan nina Judge Nicki Tamparong-Viaje at Mayor Rex Bantayan, Vice Mayor Myrna R. Herrera at Unang Ginang Jocelyn Bantayan, na sinaksihan ng kinatawan ng iba’t-ibang sektor ng pamayanan. Binigkas ang pambungad na pananalita ng Pagtanggap ni Vice Mayor Herrera na tumutukoy sa pagkakaisa ng Sangguniang Bayan at ang dapat na pagkakaisa ng mga mamamayan sa pag-unlad ng bayan. Naging makabuluhan naman ang mensaheng binitiwan ni Mayor Bantayan, sa pagbibigay ng kahulugan sa mga simbolong ipinapakita ng bagong anyo ng harapang bahagi ng pinasinayaang gusali. “Ang tatlong damawana ay simbolo ng tatlong terminong aking magiging paglilingkod sa bayan ang patuloy na lagaslas ng dumadaloy na tubig ay buhay at biyaya na ipadarama ng pamahalaan sa mga mamamayan at ang mga isdang kulay orange ang sumisimbolo sa mga mamamayang maligayang namumuhay sa pangangalaga ng mapagkalingang mga pinunong bayan” ang masayang pahayag ni Mayor Bantayan.
   
    Nagtapos ang pasinaya sa isang salo-salo na inihanda ng Pamahalaang Bayan para sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon.
 
 
Page 1 & 2
RATSADA
Malayang Pahayagan ng Bagong Mauban
Taon II Blg. 7
Pebrero 2009 
 
Next >

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register