Official Website ~ LGU Mauban, Quezon

Quick Links
For the Latest Ratsada News
 
More Recent Ratsada News:
 

Places to Visit

Home arrow News arrow News Archive arrow Ratsada News February 2009 arrow Editorial Ratsada February ed.
Editorial Ratsada February ed. PDF Print E-mail
The News Archive - Ratsada News February 2009
    Gumagalaw na rin sa ating bayan ang pagkakataon na mapagtayuan ng mga “in-demand” na industriya. Nasa atin na rin ang pagkakataon upang mahikayat ang mga mamumuhunan o ang mga imbestor na magtayo ng nababagay na negosyo. Nalalapit na ring maging katuparan ang pagkakaroon natin ng isang magandang Daungan upang ang akses sa ibang lugar ay maging anyaya  ng  mabisang “trading” sa bayan ng Mauban. Pagkakataon din, ang pagdami ng kakailanganin manggagawa na sasagot sa maraming walang trabaho at walang pinagkakakitaan  kung saan malaking sektor ng ating mamamayan ang makikinabang.

    Ang mga pagkakataong ito ay malinaw na indikasyon ng mga sangkap ng pagsulong. Isang matalino, bukas at may kridibilidad na pamahalaan. Bagong Mauban, na may malinaw na misyon at pananaw sa pagtupad ng mandato ng tungkulin, mga pagkakataong malinaw pa sa sikat  ng bukang liwayway na naghihintay lang ng mga kamay na magpapala at tatanggap, mga pagpupunyagi at inisyatiba na hindi nagaaksaya ng panahon sapagkat ang lahat ng magiging bunga ay sa ikakagaling ng lahat.

    Ang mga mamamayan, tayong lahat, na isang mahalagang salik ng lipunan ay kailangan ding tumugon. Sabayan natin ang mga disiplina na makapagdaragdag ng kinang ng kulay ng mga pagsisikap ng pamahalaan sa kasalukuyan. Pahalagahan  natin ang mga pagkakataon nasa ating hapag upang hindi masayang ang anyaya ng pag-unlad. Sama-sama nating balikatin ang mga pagsisikap upang lalong gumaan ang pasanin ng naglalakbay na Bagong Mauban.

    Marapat na maging bukas ang lahat sa mga katotohanang itinatampok ng Bagong Pamahalaan. Tatamasahin nating lahat ang bunga ng mga programa, ang hain ng hapag ng mga pagkakataon at ang karangalang ipinamamantog ng pamahalaang ito. Taas noo tayong magsasabing MAUBANIN AKO!

Editoryal
Ratsada News
February 2009
 
< Prev   Next >

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register