Home
| Ika-2 Taon Anibersaryo ng Bagong Mauban, Ipinagdiwang |
|
|
|
|
Ika-2 Taon Anibersaryo ng Bagong Mauban, Ipinagdiwang “Orange Color Festival, Tagumpay" Edwin V. Caramoan Naging lubos na matagumpay ang pagdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ng Administrasyon ng Bagong Mauban na ginanap noong Hulyo 3, 2009 sa harapan ng Gusali ng Pamahalaang Bayan. Pinuno ng mga tagasuporta na pawang nakasuot ng kulay “orange” ang mga lansangang dinaanan ng paradang Pambayan sa naganap na okasyon. Ang kulay “orange” sa bakuran ng Pamahalaang Bayan ay lalong pinasigla ng hitik na hitik na programa na kinabilangan ng maringal na pagtitipon. Pinatingkad ito ng pagkakaisa at ang mainit na pag-asang ipinapakita ng Administrasyon ng Bagong Mauban sa pamumuno ni Mayor Rex P. Bantayan, sa tahakin ng pagtataguyod ng Pagbabago at Pag-unlad. Libo-libong tagasuporta ng Administrasyong Bantayan ang dumalo sa nasabing okasyon na ang bawat Barangay ng 40 Pamayanang nasasakupan ng bayan kabilang ang malalayong Barangay ay may representasyon sa pagdiriwang. Ang mga kinatawang mula sa mga Barangay sa tabing dagat at isla ng Cagbalete ay di rin nagpahuli sa pagdalo sa okasyon kung saan ang mga deligasyon ay umaabot sa daan-daang mga taga-Barangay. Ang samahan ng mga masasaya at nagkakaisang mga bading ay dir in nagpahuli suot ang mga niyaring damit na laging may pahiyas na kulay orange. Pinakita rin ng kanilang hanay ang masayang pakikiisa sa pagrampa sa ginawang programa sa harapan ng Gusaling Pamahalaan, sa gabi ng okasyon. Ang masayang gabi ay pinatingkad ng programa kung saan nagpahayon ng mensahe ang mga pangunahing “Stake Holders” ng Bagong Mauban. “Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga pangarap nating pagbabago sa ating bayan,” ang bahagi ng mensahe ni Mayor Bantayan. Isa-isa ring nagbigay ng pagbati at mensahe ng pagkakaisa ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Myrna R. Herrera. Dumating din sa okasyon ang bisitang Pandangal sa katauhan ni Gobernador Raffy P. Nantes, ang Punong Lalawigan ng Quezon. Ganap na kinulayan at pinasaya ang gabi ng mga piling “entertainer” na nakibahagi sa selebrasyon. Pinauga ang mga upuan sa pagtawa ng mga dumalo sa nagpapaligayang “performer” na Pork Chop Duo. Umawit din at nakisaya si Efren Reyes Jr. ang isa sa pangunahing tagapagbigay sigla kung saan nagparinig ito ng ilang awitin. Ilang mangaawit din ang nakisaya at ang buong kasapi ng “Live Band” na lalong nagpainit ng kantahan at indakan. Ang saltikan ng mga baso na may lamang Nipanog ay di napigilan, na sa bawat lamesa ay pinapainit ng pulutang litsong baboy para sa okasyon. Walang puknat ang tugtog sa lalong pinaingay ng mga malagihay na tagasuporta ng Bagong Mauban. Ang dating saya ng mga selebrasyon ay tila tinabunan ng Durong Sayang Gabi sa orihinal na kaganapan ng kasalukuyang pagtitipon ng katatapos na Orange Festival. |
| Next > |
|---|



