Home
| GSO Building Pinasinayaan |
|
|
|
|
GSO Building Pinasinayaan
Pinasinayaan kamakailan ang bagong gusali ng General Services Office (GSO) na nakatayo sa kanang bahagi ng Gusali ng Pamahalaang Bayan. Ang bagong gusali na napatayo sa pagtataguyod ng Tanggapan ng Pagawaing Bayan ay binasbasan sa pangunguna ni Rev. Fr. Benjie Roda, ang lingkod pari ng Parokya ni San Buenaventura. Dumalo sa nasabing okasyon ang lahat ng pinuno at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Rex P. Bantayan at mga kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Myrna R. Herrera, na tinaguriang “Mama ng Bayan”. Ang nasabing gusali ay siyang magiging tagapanguna sa paglilingkuran hinggil sa pangangailangan ng mga supplies ng mga tanggapan ng Pamahalaan, mga Paaralan, mga Barangay at ibang pampublikong mga tanggapan. Isa sa malaking “Accomplishment” ng Pangasiwaan ni Mayor Bantayan at ng kasalukuyang Sangguniang Bayan, ang Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod (GSO) ay inaasahang lalo pang makapagpapanibago ng mabilis at kredibol na pagseserbisyo sa pamayanan. Kaugnay nito ang tanggapan ay pinamumunuan ng batang-bata pang pinuno sa katauhan ni Gng. Jasmin Pasumbal. Ginawang sentralisado ang nasabing tanggapan upang kagyat na makatugon sa malinis at makatarungang serbisyo ang Pamahalaan. Ito ay sapagkat laging sinasabi ni Mayor Bantayan na ang serbisyong tinatapakan ng kanyang administrasyon ay tumutugon sa panuntunan na “Ang pera ng Bayan ay dapat ibalik sa Mamamayan”. Natapos ang simpleng okasyon sa isang salo-salo na inihanda rin ng tanggapan para sa lahat ng dumalo. |
| < Prev | Next > |
|---|



