Official Website ~ LGU Mauban, Quezon

Home arrow News arrow Local News arrow Ratsada News June 2009 arrow Araw ng Kalayaan, Ipinagdiwang
Araw ng Kalayaan, Ipinagdiwang PDF Print E-mail
Araw ng Kalayaan, Ipinagdiwang
Liza Banagan

    Ipinagdiriwang ng buong bansang Pilipinas ang ika-111 Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 2009, kung saan ang bayan ng Mauban ay nakiisa sa okasyon. Pinangunahan ni Mayor Rex P. Bantayan kaagapay ang mga pinuno ng ibat-ibang Tanggapan ng Lokal na Pamahalaan . Ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayaog ni Pangulong Manuel Luis Quezon bilang simbalikong pagaalaala sa pakikiisa sa pagdiriwang. Ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Myrna R. Herrera ang nanguna rin sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Park ng Calvario, na may layunin ding ipaalaala ang ambag ng Pambansang Bayani sa paglaya ng Pilipinas.

    Ang pagtataas ng Pambansang Watawat ay isinunod din upang patibayan ang okasyon ng nasabing pagdiriwang. Matatandaang ang deklarasyon ng Kalayaan ay ginawa sa Kawit Cavite, noong Hunyo 12, 1898 sa pamamagitan ng Pamahalaang diktatoryal sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo. Unang iwinagayway ang bandilang Filipino, na tinahi sa bansang Hongkong ni Gng. Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, na siyang Pambansang Watawat ngayon. Kasabay nito ang malakas na tugtog ng Pambansang Awit na pinangunahan ng Marcha Filipino Magdalo, na sinulat ni JulianFelipe at nilapatan kalaunan ng liriko ni Jose Palma na pinamagatang Lupang Hinirang na ngayo’y orihinal na tono at liriko sa kasalukuyan.

    Ang lahat ng Pamahalaan, mga pinuno at kawani nito, ngayun din ang mga Tanggapang Nasyonal na nakabase sa bayan ng Mauban ay nakiisa rin sa nasabing pagdiriwang.
 
 
< Prev   Next >

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register