Home
| Pluma ni Pamingaw (Jun. 2009) |
|
|
|
|
Wala ng Puwang ang Dating Saya sa Bagong Mauban, Duro ng Saya Edwin V. Caramoan Napakasarap talaga ng pakiramdam na sa maliit nating kakayahan ay makabahagi sa isang Pamahalaang may magandang tunguhin. Kahit pa nga, sabihin nating napakaliit din naman ang sinasahod ng katulad nating pangkaraniwang kawani, sapagkat ang pagiging husto ng pabuya ay mararamdaman sa pagkakataong tayo pala ay kabilang sa tagumpay ng mga gawain at may ambag tayong talento at kakarampot mang kakayahan sa pagsulong o pag-unlad. Ito ang isa sa katotohanang nakikita ng ating pluma hindi lang bilang payak na manunulat kundi; bilang kawani ng Administrasyon ng Bagong Mauban.
Sa totoo lang, ayaw nating ang ating panitik ay may makanting kontra sa ating Pananaw, subalit di talaga maiiwasan, dahil na rin sa interest ng iba na nasasagi ang katotohanan kung minsan, ay humuhulagpos ang ating pluma. IKA NGA, TRABAHO LANG PO AT KAPIT SA TOTOO LANG WALANG PERSONALAN. Tulad na nga lang nitong isang matagal ng nakaladlad na tarpulina diyan sa may tapat ng gasolinahan ng Petron, sa Sitio Sabang, BArangay Polo. Ang panawagan ng naluma ng Pulitiko ay “IBALIK NATIN ANG DATING SAYA”. Aba po, ay talaga namang ang laki ng tiwala sa kwalidad ng di umanoy dumaloy na Dunong at Lakas. Ang siste lang, kapag ito’y ating nabasa ay inaabot tayo ng pakiramdam ng panghihinayang sa awtor ng nasabing tarpulina. Ubod ng tapang at bangis ng HIYA ang mga pangungusap ng doo’y nakasaad. Tila nalasing sa tagumpay ang may panata ng linya ng retorikang nais ipamadya ng mensahe. Aber naman, papaano ba babalik ang saya kung ang naglilong ligaya ay naipamahagi lang sa ilang kapanalig at sinisinta. Mabuti ang ilan diyan na totoo na mang nabahaginan o dili kaya ay naampiyasan ng mga natatanging pagkakataon. Kaya nga ngayong nawala sa eksena ay napakubli sa likmong kalungkutan na ang panawagan ngayon ay pagbabalik ng dating saya. Sabagay, ika ng ilang tagamasid ang alam ng ilan ay ang uri ng pamamahayag na tipong pamamayagpag. Giit pa nga ng iba, ang malimit nalalagay sa puwang at pagkatalo ay lubhang maingay. Alam ng mayoryang Maubanin ang kailangan ng bayan sa kasalukuyan, at iyan ay nakasakay lahat ngayon sa Bagong Mauban. Hindi isang panaginip kundi katotohanang nasaksihan at nararanasan ng lahat. Naniniwala ang ating pluma na ang kaakibat ng mabuting pamamahala ay ang malinis na direksyon ng pamumuno, na nakaugnay sa mga plinanong banghay-banghay na Gawain sa layunin ng patuloy na pag-unlad. Hindi marahil ito palaparan at pahabaan ng mga argumentong nanghihikayat ng estratihikal na propaganda na ang naging batayan ay karanasan ng ilang napabilang sa sirkulasyon. Marami ang dapat sumaya at hindi lang para sa iilan ang ligaya. Kaya ngayon, sa Bagong Pamamahala ay naroon ang isang Bagong Mauban na Duro nang Saya! |
| < Prev | Next > |
|---|



