Official Website ~ LGU Mauban, Quezon

Home arrow News arrow Local News arrow Ratsada News June 2009 arrow DAHOYHOY FALLS NG MACASIN, DESTINASYON PANGTURISTA
DAHOYHOY FALLS NG MACASIN, DESTINASYON PANGTURISTA PDF Print E-mail
DAHOYHOY FALLS NG MACASIN, DESTINASYONG PANGTURISTA
Kapitan Mike Camelon

        
   Napakalaki ng posibilidad upang maging isang destinasyong pangturista ang Dahoyhoy Falls sa Barangay Macasin ng Mauban, Quezon. Ito ay matapos ang ginawang pagbisita ng ilang kinatawan ng Provincial Tourism Office kamakailan sa nasabing Barangay. Tinungo ng grupo ang talon upang makapagsagawa ng pag-aaral ukol sa probabilidad ng lugar sa proyekto ng lalawigan sa turismo.

    Kaagapay si G. Edwin Caramoan, Kapitan Mike Camilon at mga kagawad ng Sangguniang Barangay sa lugar tinungo ng grupo ang magandang talon. Nabighani naman ang mga panauhin ng marating nila ang malaparaisong tunghay ng kalikasan.

    Layunin ng ginawang “Occular Visit” na matukoy ang mga maaaring gawing pasilidad sa lugar upang makabuo rin ng mga programang matutugunan ng sunod-sunod na gawain sa hinaharap. Kabilang dito, ang pagpapagawa ng “Viewing Deck” at ilang kubo na maaring maging dagdag na atraksyon sa nasabing talon. Tinutulungan din ng  probinsya ang posibling kwalipikasyon ng proyekto dito, sa pandaigdigang NGO ng Pacific Asia Travelers Association (PATA) na nakabase sa Thailand.  

    Ang pamahalaang lokal din ng Mauban sa pamumuno ni Mayor Rex P. Bantayan ay umaalalay sa pagtataguyod ng mga proyektong magdaragdag ng mga kakailanganing pasilidad sa lugar tulad ng katatapos na konstruksyon ng “elevated pathway” na siyang daanan ng lahat ng pumupunta sa Barangay.
 
 
< Prev

Login Form






Lost Password?
No account yet? Register