Home
News
Local News
Ratsada News June 2009
MAUBAN WAGI NG IKALWANG PWESTO, SA PALARONG CONGRESSIONAL
News
Local News
Ratsada News June 2009
MAUBAN WAGI NG IKALWANG PWESTO, SA PALARONG CONGRESSIONAL | MAUBAN WAGI NG IKALWANG PWESTO, SA PALARONG CONGRESSIONAL |
|
|
|
|
MAUBAN WAGI NG IKALAWANG PWESTO, SA PALARONG CONGRESSIONAL Limuel Ostonal Nagtapos sa ika-2 pwesto ang Mauban ng masungkit nito ang pangkalahatang katatayuan nito sa ginanap na Palarong Congressional sa Unang Distrito ng Lalawigan ng Quezon. Kamakailan ang lahat ng mga manlalaro at kanilang mga tagapagsanay ay pormal na nagpasalamat kay Mayor Rex P. Bantayan at sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Myrna R. Herrera na anila’y walang humpay na pagtaguyod sa kanila sa lahat ng suportang kailangan ng palakasan.
Nakipagsalpukan ang mga manlalarong Maubanin sa mga kapwa koponan ng manlalarong nanggaling sa labing tatlong (13) bayan ng Unang Distrito ng Quezon. Kinabibilangan ito ng Bayan ng Pagbilao, Tayabas na may pinakamalaking deligasyon, Sampaloc, Mauban, ang REINA nakinabibilangan ng 3 bayan ng Real, Infanta at Nakar at ang Islander na binubuo ng Polilio, Panukulan, Burdeos, Patnanungan at Jomalig. Kaugnay din nito ang bayan din ng Mauban ang naging “Host Municipality” kung saan ang naging preparasyon ng mga lugar sa pinagdausan ng iba’t-ibang events ay nilaanan ng milyong halaga ng pondo ng Pamahalaang Lokal ng Mauban. Ang Sentro ng Pagdaraos ng Palaro ay ang looban ng Paaralang Sentral ng Timog Mauban, kung saan natatayo ang “ Track and Field Oval” na isinaayos ng Pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ng Punong Bayan. Na ang naatasan ay ang Tanggapan ng mga Pagawaing Bayan sa pamumuno ni Engr. Amado Villamayor. Naging abalang-abala rin ng Tanggapan ng Sports Development Coordinator sa pamamahala ni G. Lemuel Ostonal at G. Chito Villamarzo sa lahat ng naging tagapamahala at tagapag-ugnay ng laro. Ang lahat din ng Paaralan tinuluyan ng mga opisyal, mga manlalaro at mga panauhin ng bayan ng Mauban. Sa kabuuan ang Palarong Congressional sa Unang Distrito ng Quezon ay naging matagumpay. Bunga rin nito, ang Palarong Quezon ay sa Mauban din gagawin sa darating na Setyembre. Ratsada News June 2009 |
| < Prev | Next > |
|---|




