Araw na naman ni San Buenaventura, Maligayang kapistahan sa ating mahal na patron ng Mauban!!
Kaalinsabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng mahal na patron San Buenaventura ay ang pasasalamat sa biyaya ng Panginoon na ipinagkaloob sa ating minamahal na bayan at ang aking pasasalamat kasama ng aking pamilya sa mamamayan ng Mauban sa muli ninyong pagbibigay ng tiwala sa akin upang maging muling ama ng bayan.
Sa aking panunungkulan, naisakatuparan at nasimulan ang mga programang nakatulong ng lalo’t higit sa mas nakararaming Maubanin.Tunay nga na ang kapistahan ay simbolo ng kasayahan, dalangin ko na parating mamutawi sa bawat mukha ng maubanin ang tunay na saya at galak. Sa inyong muling pagpapabalik sa akin,kasabay nang pagluluwal ng panahon ng mga bagong hamon, pagiibayuhin natin ang ating magandang nasimulan at pagpapatuloy ang paglikha ng mga proyektong para sa lahat.Sa pamamagitan ng ating kolektibong pagpupunyagi, makakamit natin ang ating minimithing mapayapa, malinis at maunlad na bayan ng Mauban.
Sa ngalan ng ating mahal na patron, San Buenaventura , asahan po ninyo ang aking matapat, mahusay at bukal sa loob na pagtupad sa tungkuling iniatang ninyo sa akin sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang tunay at totoong serbisyo publiko.
Muli, maligayang kapistahan ni San Buenaventura! Maligayang araw ng minamahal nating Bayan ng Mauban! Dunong at Lakas Para sa Magandang Bukas!
|