null
No Image No Image
No Image
BARANGAY OFFICIALS' OATHTAKING CEREMONY PDF Print E-mail

Naganap ang panunumpa ng mga bagong halal na 40 Punong Barangay
at kanilang mga Kagawad sa Bulwagan ng Mauban Gymnasium noong
Ika- 29 ng Nobyembre, 2010. Isinabay din dito ang Panunumpa ng
mga nanalong mga Chairman ng Sangguniang Kabataan at kanilang mga
konsehales.

Si Governor DAVID "JAYJAY" SUAREZ ang nagsilbing panauhin tagapagsalita
at nagpanumpa sa mga kapitan ng 40 Barangay Samantalang si MAYOR DINGDONG
LLAMAS naman ang nagpanumpa sa mga konsehal. Si VICE MAYOR LEONCHING GAPASANGRA
ang nagpanumpa sa 40 Kapitan ng SK at si konsehal GADIE ASTOVEZA ang nagpanumpa
sa mga kagawad ng SK.

Bago naganap ang nasabing pagtatalaga, pinulong muna ng Butihing Mayor DINGDONG
LLAMAS ang mga bagong halal na pinuno ng 40 Barangay, Kapartido man o hindi,
upang batiin sila dahil sa pagkapanalo sa naganap na halalan noong ika-25 ng
Oktubre, 2010 at hinikayat sila na makiisa tungo sa pag-unlad sa kanilang
mga barangay at ng bayan ng Mauban.

Matapos marinig ang mensahe ng ama ng lalawigan na si GOV. JAYJAY SUAREZ at ang
mga programa ni MAYOR DINGDONG LLAMAS, lubos na nagpapasalamat ang mga opisyal ng
mga Barangay at mga SK sa ating Punong Bayan Dahil sa kanyang magandang layunin para
sa bayan ng Mauban.
 
 
 
Ang kagalang-galang na Mayor DINGDONG LLAMAS kasama si Gov. JAYJAY SUAREZ, Vice Mayor
LEONCHITO GAPASANGRA, ang kanyang maybahay na si Gng. MARITA T. LLAMAS at ang iba pang
panauhin habang umaawit ng pambansang awit ng Pilipinas.

 
 
Ang awit-dalawahan nina Joemer Broqueza at Benjie Montierro ng isang awit panalangin na
pinamagatang " AMING DASAL". At ang Mauban Municipal Choir habang umaawit ng "MAUBANIN AKO"
 
 
 
 
Si Gov. Jayjay Suarez habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga nahalal na Opisyal ng mga
Barangay.
 
 
Ang panunumpa ng mga Kapitan ng mga Barangay sa pangunguna ni Governor JAYJAY SUAREZ at Mayor
DINGDONG LLAMAS habang binabati ang mga nanumpang kapitan.
 
 
 
Ang panunumpa ng mga konsehal ng bawat Barangay sa pangunguna ni Mayor Dingdong Llamas.
 
 
Si Vice Mayor Leonching Gapasangra habang isinasagawa ang panunumpa ng mga SK; nasa tabi niya
si Mayor Dingdong Llamas. At mga Chairman sa Sangguniang kabataan na nanunumpa sa kanilang mga tungkulin.
 
 
Sina Mayor Dingdong Llamas at Vice Mayor Leonching Gapasangra habang binabati at kinakamayan
ang mga Chairman ng Sangguniang kabataan.
 
 
Si Konsehal Gadie Astoveza habang isinasagawa ang panunumpa ng mga konsehal ng Sangguniang kabataan.
 
 
Sina Vice- Mayor Leonching Gapasangra, Konsehal Gadie Astoveza at Konsehal Eladio Pasamba Jr. habang
nagpapahayag ng kanilang pagbati sa mga nanalong opisyal ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan.
 
 
Si Mayor Dingdong Llamas Habang inihahatid ang nagpapaalam na si Governor Jayjay Suarez.
 
< Prev   Next >
No Image
No Image No Image No Image

Members Login






Lost Password?
No account yet? Register

Event Calendar

May 2012
SunMonTueWedThuFriSat
0102030405
06070809101112
13141516171819
20212223242526
2728293031
No Image
© 2012 Official Website ~ LGU Mauban, Quezon
Joomla! is Free Software released under the GNU/GPL License.
No Image