|
PAGBISITA NG MPDC SA CAGSIAY III
Dumalaw sa Cagsiay III noong Abril 19, 2011 ang mga kawani mula sa office of the Municipal Planning and Development Coordinator sa pangunguna nina Engr. Tobias R. Manaog at Engr. Bayani Calong, Konsehal Eladio Pasamba, Kap. Alex Benavidez, Brgy. Chairman ng Cagsiay III, at ang Media Bureau Respondents ng Office of the Mayor na sina Jack Paway at Normilito Alcantara upang sukatin ang lupang pagtatayuan ng Barangay Hall ng Cagsiay III at pati na ilaya ng munting ilog na gagawing irrigation o patubig para sa palayan ng Cagsiay III.
Sa kahilingan ng mga residente ng Cagsiay III ay sinukat na rin nila ang lumang Hanging Bridge sa malaking ilog na ire-repair pati na ang bubong ng waiting shed na matatagpuan sa bungad ng munting ilog. Ito naman ay layunin ni Punong Bayan Dingdong Llamas na maipagawa agad para sa kaligtasan ng mamamayan at kaunlaran ng nasabing barangay.
|