|
RURAL ELECTRIFICATION PROJECT OF CAGSIAY III |
|
|
|
RURAL ELECTRIFICATION PROJECT OF CAGSIAY III
Nagtungo sa Cagsiay III noong Mayo 4,2011 ang mga tauhan ng Meralco, Dept. of Energy, Quezon Power Philippines Limited Co. (QPPL) at Municipal Government ng Mauban upang ipaliwanag sa mga mamamayan na lalagyan ng Generator ang kanilang lugar upang magkailaw ang kanilang mga tahanan.
Ang mga pumunta roon ay sina Engr. Roberto D. Isip Jr., Jerry Lao, Anderson V. Rusia at Reb. Tirona ng Meralco, G. Salvador "Dondon" Bernal ng QPPL, Paul Clarin ng First MultiTech Industrial and Development Corporation, Yvette Kristine Medenilla at Jack Paway ng Mayor's Office, Engr. Raul Santoalla ng Engineering Office, at Kap. Alex Benavidez, ang Brgy. Chairman ng Cagsiay III.
Unang nagtungo ang grupo sa Sitio Piape at pagkatapos ay pumunta sila sa sentro ng Cagsiay III na kung tawagin ay sitio maliit na ilog upang kausapin ang mga mamamayan doon.
Lubos na nagpapasalamat ang mga taga-Cagsiay III sa butihing Mayor Dingdong Q. Llamas dahil magkakaroon na rin ng sariling Generator ang kanilang Barangay.

|