null
No Image No Image

List of Related Items

No Image
STREET DANCING COMPETITION PDF Print E-mail

MGA KABATAANG KATUTUBO, SUMALI SA STREETDANCING
MAUBANOG FESTIVAL

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumali ang mga kabataang katutubo mula sa Sitio Dakil,
Brgy. Cagsiay III sa Pambayang Paligsahang Streetdancing bilang bahagi ng pagdiriwang ng
Maubanog Festival 2011. Ang paligsahan ay ginanap noong Hulyo 11, 2011 sa harapan ng
Grandstand ng Mauban South Central School kung saan 10 Grupo ng mga kabataan, mag-aaral
man o hindi, ang mga naging kalahok.Ang mga Kabataang katutubo na lumahok ay binubuo ng
25 kabataan mula edad 9 hanggang 20.Sa pamamagitan ni G. Jack Paway ng Media Bureau ng
Mayor's Office ay nabigyan sila ng pagkakataon maiuwi sa bayan ng Mauban upang sumali
sa nasabing paligsahang Streetdancing. Silang mga kabataang katutubo ng Streetdancing
ang kaunahang dumating sa Grandstand noong alas-kwatro ng umaga para sa coverage ni
Winnie Cordero ng Umagang Kay Ganda ng channel 2 para sa Maubanong Festival.
Nagpapasalamat ang mga kabataang katutubo sa butihing Mayor Dingdong Q. Llamas sa
kanyang suporta sa mga kabataan at pati na rin sa Dept. of Tourism, DSWD, sa Kapitan
ng kanilang Barangay na si G. Alex Benavidez, at sa Larry and Vicka Consegnacion ng
Barangay Daungan na nag-sponsor ng isda para sa mga kabataang katutubo.

 
< Prev   Next >
No Image
No Image No Image No Image

Places to Visit

Event Calendar

May 2012
SunMonTueWedThuFriSat
0102030405
06070809101112
13141516171819
20212223242526
2728293031

Polls

What project would you like our Mayor to prioritized?
 
How do you rate the Performance of our New Local Government so far?
 
No Image
© 2012 Official Website ~ LGU Mauban, Quezon
Joomla! is Free Software released under the GNU/GPL License.
No Image