|
MEDICAL AND DENTAL MISSION |
|
|
|
|
MEDICAL AND DENTAL MISSION IN CAGSIAY III (A MONTHLY BARANGAY PROGRAM)
Ginanap noong Hulyo 21,2011 ang libreng gamutan sa Barangay Cagsiay III bilang bahagi ng buwanang programang pang-Barangay sa Bayan ng Mauban. Ang Medical Team ay pumunta roon sa pangunguna ng butihing Punongbayan na si Mayor Dingdong Q. Llamas. Kasama niyang nagtungo roon sina G. Marconi Calong, ang Municipal Administrator, Konsehal Marivel Trinidad, Konsehal Dante Almacen, Southern Luzon Command o Sol Com, Dr. June Camitan, Dr. Ronald Mararac at iba pang mga kawani na nagmula sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaang local tulad ng Department of Agriculture, MENRO, at Dept. of Health. Ang Quezon Power Philippines Limited Co. at Miescor ay nagbigay rin ng suporta sa nasabing gamutan.Bukod sa libreng konsultasyon at gamutan, isinagawa rin doon ang libreng pagpapabunot ng mga ngipin, libreng gupit ng buhok at pamamahagi ng mga libreng pagkain, bigas, goods, salamin sa mata, tsinelas at mga pananim at pataba sa lupa. Nasa 153 ang nabunutan ng ngipin at 249 ang nagpakunsulta. Isinagawa rin ang libreng rehistro para sa mga katutubo at residente roon na wala pang Birth Certificate. Nagpapasalamat ang mga katutubo at residente ng Cagsiay III kay Mayor Dingdong Q. Llamas at sa iba pang kasama dahil naisagawa ang Medical and Dental Mission sa kanilang lugar kahit malayo ito sa kabayanan. Natutuwa sila at may ganitong programa an gating butihing Punong Bayan Mayor Dingdong Q. Llamas at umaasa silang muling mabibiyayaan sa mga susunod pang pagkakataon.
|