null
No Image No Image
No Image
LGU-MAUBAN E-LEARNING VILLE
MAUBAN e-Learning Ville

located at 2nd Floor Mauban Gymnasium
Brgy. Rizaliana, Mauban, Quezon
NOW OPEN!!!
Mondays - Saturdays
8:00am - 10:00pm
Sundays
2:00pm - 10:00pm
UBUNTU(Linux System) Free Group Training every Saturday is going on.

 
 This is a joint project of LGU-MAUBAN,Mauban Gender Awareness and Development,Quezon Power Plant Ltd.,National Computer Commission,UPOU,PLDT, Congressman Mark Enverga,and Philippines Community eCenters,the Global Horizon for the Filipinos.
 
Read more...
 
Barangay Assembly
BARANGAY ASSEMBLY IN LUAL BO.

    Isinagawa ang pagpupulong ng mga taga-Brgy. Lual bo. pati na rin ang mga opisyal ng kanilang
Barangay noong Hulyo 17, 2011. Ito ay ginanap sa kanilang Barangay Hall sa pangunguna ng kanilang
Kapitan na si Barangay Chairman Manuel M. Calucin. Dinaluhan ito ng ating kagalang-galang na pangalawang
Punong Bayan Leonchito Gapasangra kasama ang ilang kagawad ng ating bayan na sina Konsehal Dante
Almacen,Konsehal Marivel Trinidad, G. Jack Paway ng Media Bureau at SK Chairman ng Brgy. Lual bo. na si
Jhaymark Ramos. Layunin ng pagpupulong na maiparating sa mga mamamayan ng brgy. lual bo. ang mga
planong proyekto na nagawa na at mga gagawin pa.

    Sinabi ni Vice Mayor Gapasangra sa mga taong dumalo roon ang mga programa ng ating pamahalaan
pati na ang para sa mga barangay. Tinalakay naman ni konsehal Dante Almacen ang kanyang programang
pangkapayapaan at si Konsehal Marivel Trinidad ay ang tungkol sa mga livelihood project na kanyang
pinangangasiwaan.

    Nagpapasalamat ang mga taga-Brgy. Lual Bo. kay Mayor Dingdong Q. Llamas dahil sa kanyang
ipinakikitang suporta sa mga ito at umaasa silang magiging aktibo rin ang mga proyektong pangkabuhayan
sa kanilang barangay.

 

Read more...
 
MEDICAL AND DENTAL MISSION

MEDICAL AND DENTAL MISSION IN CAGSIAY III (A MONTHLY BARANGAY PROGRAM)

Ginanap noong Hulyo 21,2011 ang libreng gamutan sa Barangay Cagsiay III bilang bahagi ng
buwanang programang pang-Barangay sa Bayan ng Mauban. Ang Medical Team ay pumunta roon sa
pangunguna ng butihing Punongbayan na si Mayor Dingdong Q. Llamas. Kasama niyang nagtungo
roon sina G. Marconi Calong, ang Municipal Administrator, Konsehal Marivel Trinidad,
Konsehal Dante Almacen, Southern Luzon Command o Sol Com, Dr. June Camitan, Dr. Ronald Mararac
at iba pang mga kawani na nagmula sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaang local tulad ng
Department of Agriculture, MENRO, at Dept. of Health. Ang Quezon Power Philippines Limited Co.
at Miescor ay nagbigay rin ng suporta sa nasabing gamutan.Bukod sa libreng konsultasyon at
gamutan, isinagawa rin doon ang libreng pagpapabunot ng mga ngipin, libreng gupit ng buhok at
pamamahagi ng mga libreng pagkain, bigas, goods, salamin sa mata, tsinelas at mga pananim at
pataba sa lupa. Nasa 153 ang nabunutan ng ngipin at 249 ang nagpakunsulta. Isinagawa rin ang
libreng rehistro para sa mga katutubo at residente roon na wala pang Birth Certificate.
Nagpapasalamat ang mga katutubo at residente ng Cagsiay III kay Mayor Dingdong Q. Llamas at
sa iba pang kasama dahil naisagawa ang Medical and Dental Mission sa kanilang lugar kahit malayo
ito sa kabayanan. Natutuwa sila at may ganitong programa an gating butihing Punong Bayan
Mayor Dingdong Q. Llamas at umaasa silang muling mabibiyayaan sa mga susunod pang pagkakataon.

 

Read more...
 
STREET DANCING COMPETITION

MGA KABATAANG KATUTUBO, SUMALI SA STREETDANCING
MAUBANOG FESTIVAL

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumali ang mga kabataang katutubo mula sa Sitio Dakil,
Brgy. Cagsiay III sa Pambayang Paligsahang Streetdancing bilang bahagi ng pagdiriwang ng
Maubanog Festival 2011. Ang paligsahan ay ginanap noong Hulyo 11, 2011 sa harapan ng
Grandstand ng Mauban South Central School kung saan 10 Grupo ng mga kabataan, mag-aaral
man o hindi, ang mga naging kalahok.Ang mga Kabataang katutubo na lumahok ay binubuo ng
25 kabataan mula edad 9 hanggang 20.Sa pamamagitan ni G. Jack Paway ng Media Bureau ng
Mayor's Office ay nabigyan sila ng pagkakataon maiuwi sa bayan ng Mauban upang sumali
sa nasabing paligsahang Streetdancing. Silang mga kabataang katutubo ng Streetdancing
ang kaunahang dumating sa Grandstand noong alas-kwatro ng umaga para sa coverage ni
Winnie Cordero ng Umagang Kay Ganda ng channel 2 para sa Maubanong Festival.
Nagpapasalamat ang mga kabataang katutubo sa butihing Mayor Dingdong Q. Llamas sa
kanyang suporta sa mga kabataan at pati na rin sa Dept. of Tourism, DSWD, sa Kapitan
ng kanilang Barangay na si G. Alex Benavidez, at sa Larry and Vicka Consegnacion ng
Barangay Daungan na nag-sponsor ng isda para sa mga kabataang katutubo.

 
BUWAN NG KABABAIHAN

                BUWAN NG KABABAIHAN

    Ginanap ang parada ng mga kababaihan sa bayan ng Mauban noong ika-7
ng Marso, 2011 kaugnay ng okasyong buwan ng kababaihan na may temang "BABAENG
QUEZONIAN: KATUWANG NATIN SA PAG-UNLAD NG LALAWIGAN. Ang pagdiriwang ay nagsimula
noong Marso 5 hanggang Marso 11. Pinangungunahan ni Mayora Marita Llamas, Sanguniang
Bayan at mga Kawani ng Pamahalaan ang nasabing parada. Ang Lyre Band ng Mauban North
District ang naatasang manguna sa parada.

    Matapos ang parada ay ginanap ang maikling palatuntunan sa harapan ng Muni-
sipyo. Nagbigay ng Mensahe si Mayor Dingdong Q. Llamas sa mga kababaihan at ipinahayag
niya ang kanyang suporta sa mga ito.    
    
    Pagkatapos ng palatuntunan ay nagpatuloy sa Mauban Gymnasium ang mga kababaihan
kung saan isinagawa ang maikling seminar ukol sa pagsugpo at pangangalaga ng mga Kaba-
baihan laban sa sakit na Kanser. Si Dra. Llave ng Philippine General Hospital (PGH) ang
nagsilbing panauhin tagapag salita noong hapong iyon.

    Naging kapaki-pakinabang para sa mga nagsidalo at nakinig ang ginanap na
pagdiriwang ng buwan ng Kababaihan.

 

Read more...
 
<< Start < Prev 1 2 Next > End >>

Results 1 - 10 of 11
No Image
No Image No Image No Image

Members Login






Lost Password?
No account yet? Register

Event Calendar

May 2012
SunMonTueWedThuFriSat
0102030405
06070809101112
13141516171819
20212223242526
2728293031
No Image
© 2012 Official Website ~ LGU Mauban, Quezon
Joomla! is Free Software released under the GNU/GPL License.
No Image